Dragon

Kaninang almusal –

.
Mommy: Anak, kelan mo ba kami bibigyan ng apo?
.

Muntikan ko nang mabuga ‘yung kanin na may kahalong hotdog at itlog sa bibig ko. Ang aga-aga kung anu-ano na naman ang trip nitong nanay ko. Hindi ko alam kung matatawa o mabubuwisit ako sa tinanong niya.
.
 
.
Ako: Haller, ‘di ba may apo na kayo? Dalawa pa nga, di ba? Ayan o, si Cedric at si Zylord. Dalawang lalaki pa ‘yan.
.

Mommy: Siyempre, iba pa rin ‘yung galing sa iyo?

Naku po. Nandito na naman tayo sa usapang ganito. Minsan hindi ko rin maintindihan itong nanay ko eh. Kung anu-ano pumapasok sa utak.

Kung tutuusin, tanggap na naming lahat ang pagiging “out” ko. At kahit na nga kay Daddy na walang ibang anak na lalaki bukod sa akin, ok na ang lahat. Tapos, ganitong nakakalokang eksena ang bubulaga sa iyo sa napakagandang Linggo ng umaga.

Siyempre, uminit na naman ang dugo ko. Feeling ko, lahat ng dugo ko sa katawan napunta sa tenga ko. Kinontrol ang temperatura at high blood, nanay ko ang kaharap ko eh. Pero hindi maiwasang may manaka-nakang pagkainis ang makawala sa pagtitimping iyon.

.
Ako: Ano namang pinagkaiba nung magiging anak ko sa anak ni Ate Noemi at ni Melai? Eh kung tutuusin, mas alam ninyo na apo ninyo ‘yan dahil anak ninyo ang nagluwal?
.

Mommy: Siyempre, iba pa rin ‘yung sa lalaki. Ikaw ang nagdadala ng apelyido ng Daddy mo eh. Ikaw ang magpapalaganap ng lahi natin.

Ako: Juice ko, ano namang feeling ninyo sa akin, isang palahiang aso?

Mommy: Naku hindi. Isa kang dragon. Ang sungit mo eh.

Tambling ako sa nanay ko! Ngayon, alam ko na bakit naging bakla ako!

Advertisements

~ by Yuri on Sunday, 18 November 2007.

4 Responses to “Dragon”

  1. nyahahaha, minsan panalo talaga ang mga hirit ng nanay e 🙂 welkam sa WPP!

    …………….

    salamat ulit sa pag-welcome kengkay… sana lang namana ko rin yung mga hirit na yun sa nanay ko… hehehe! 😀

  2. naku nay. sabihin mo, mahirap magkaroon ng bebe dragons. magkaka-pestilence! nyahahahaha!

    ……………….

    kerek, may balak pa yatang magtayo ng perya ang nanay ko… featuring, baklang dragon and babies… good luck! 😀

  3. hahah, antaray ni nanany! 😆

    yuri, add kita ha. sana ok lng sa u 😉

    ……………….

    sure, no problem! add din kita ah! salamat! 😀

  4. wahahaha…add mo tong story na to sa: http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=135348.0

    pero dapat yata: Moms say the darnest things! 😉 Hope you’re good!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: