Lalaking Walang Bayag

Nakatatawang isipin na may mga lalaki palang asal bakla. No offense meant sa mga sisters ko, but what I mean is, may lalaki palang hindi nila kayang pangatawanan at panindigan ang kanilang pagiging lalaki. At recently ko lang nalaman na naglipana na pala sila: sa office, sa school, sa mga public places at kahit dito sa internet at blogosphere.

Ewan ko, mahirap ipaliwanag. Kaya’t naglista ako ng limang katangiang sa tingin ko’y taglay ng mga lalaking (pardon my French, dears) walang bayag.

1.  All Talk, No Glory
Ito ‘yung mga lalaking magaling manglansi sa salita. Paaasahin ka, bobolahin. Sa una, pa-sweet, pa-macho effect. Tapos pag bumibigay ka na, poooooofff! Back off! I mean, anong point mo? Binoo-boost mo ang ego mo? Aba, gawin mo ‘yan not at the expense of other people.

2.  Plastic
San ka nakakita ng lalaking plastic? Ang alam ko, mga babae at bading lang ang nakikipag-plastikan. Kung ayaw mo sa isang tao, hindi mo naman siya kailangang pakisamahan ng magiliw. You can be civil, pero hindi plastic. Hindi mo rin kailangang magkaila para sabihing, “Ay, love ko yang si Barbie”. Pero, at the end of the day, titirahin mo rin siya nang patalikod, let’s say, sa blog mo.

3.  Full of Contradictions
A person who says one thing but does another, in a very bad way. Hindi ba nakakatawang makakita ng lalaking kinakain ang mga sinasabi niya? Yung tipong maraming katwiran na siya mismo ang sumasalungat?

4.  Two-timer
Mahal mo pa ba ang dyowa/asawa mo? Kung hindi na, eh bakit pinatatagal mo at niloloko mo pa siya? Aba eh, hiwalayan mo na ‘teh. Kung mahal mo pa naman, eh bakit meron ka pang isa? Wag mong sabihing tumitikim ka ng ibang ulam? E kung ganun, shet ka, magtayo ka na lang ng sarili mong karinderya.

5.  Loser
Dear, tapos na ang panahon nina Maria Clara. Kung naghahanap ka ng babaeng gagawin mo lang tanga (‘yung susunod sa bawat iutos mo, ‘yung tumango lang sa bawat sabihin mo, in short, ‘yung mag-su-submit sa iyo), aba sa bundok ka maghanap. Baka, kahit doon wala kang makita. If you can’t deal with a woman of power, then you are indeed a loser.

Advertisements

~ by Yuri on Tuesday, 5 May 2009.

4 Responses to “Lalaking Walang Bayag”

  1. i feel for you, nay. marami nga sila, nakaka-disappoint.

  2. saan naka-classify yung tumatakbo sa responsibilidad at di kayang harapin ang consequence ng ginawa nya?

    buti na lang na-check ko yung asawa ko kung… teka, di ko na itutuloy… mental image…

    • gawan na lang natin ng bagong classification… nakalimutan ko yata sa listahan ko…

      lol @ mental image… erase erase erase!

      bwahahaha! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: