Virtual Loser

 

Aaminin ko, loser ako…

 

Matagal na rin akong suki ng internet.  Tandang-tanda ko pa nung college ako, way back mid ‘90s, madalas akong nakikipagpatayan sa ground floor Central Library ng Uste, kung saan mayroon lang mahigit 20 computers na online, para lang makapag-internet.  Madalas akong makipag-away sa pila, para lamang sa isang oras na pagsilip sa kakaibang mundong natuklasan ko.

 

Palibhasa addict sa chat.  Lahat na yata ng chat sites, napuntahan ko nun… Alamak, mIRC, yahoo, at kahit chat sa telnet, pinatos ko na.

 

Sa edad na 16, nadiskubre ko na ang hiwaga ng virtual world.  Aaminin ko, napukaw ang kamalayan ko ng internet.  At sa edad na 16, isa rin ako sa mga taong nahulog sa patibong nito.

 

Noon, madaling nahuhulog ang loob ko sa mga taong nakaka-chat ko.  ASL mo? 16, m, QC.  Anong itsura mo?  Guwapo ako.  Tapos, padadalhan ng picture na malalaman mo, later on, hindi naman pala sa kanya.

 

Come, eyeball (EB), dun mo madidiskubre, iba pala yung kausap mo na noo’y pinapangarap mo sa totoong tao kaharap mo. Kadalasan, I ended up disappointed.  Worse, they ended up disappointed seeing me.

 

Kasi nga, loser ako.  And it took me 13 years to realize na loser na pala ako sa paningin ng iba.  Thanks to one of the bloggers I’ve met recently.

 

Biyernes ng gabi nang maka-EB ko sina azrael, jon cabron, at angel sa Timog, kasama ko ang mga kaibigan ko na sina lenggai at jayme.  Kung tutuusin, napilit lang ako ni lenggai na sumama nun, dahil hindi naman talaga ako consistent na blogger.  Ma-i-insecure lang ako sa kasikatan sa blogosphere.

 

Pero, iba ang EB-ing ito.  Kahit anim lang kami (na naging lima sa paglalim ng gabi), masasabi ko na ito na yata ang pinakamasayang EB na napuntahan ko. Marami akong nalaman tungkol sa bawat isa.  Marami akong nahinuha sa itinatago nilang personalidad.  At higit sa lahat, marami akong natutunan.

 

Tulad ngayon, nalaman ko na pwede pala akong i-consider na loser.

 

Para sa iba, loser ang mga taong umiikot ang mundo sa virtual world. Loser ang mga taong hindi kayang paghiwalayin ang mga nangyayari sa internet at blogging at nangyayari sa tunay na buhay.  At loser ang taong nahuhulog at na-i-in love sa mga bloggers at chatmates, bago pa man nila ito makilala ng lubusan.

 

Kumukulong debate ang nasa isip ko nang gabing iyon.  But I ended up raising the white flag, not because my reasoning is flawed, but because I believethat it’s all a matter of perspective.”  I realized that we – I, jon, az, angel, and lenggai – separately have different concepts and understanding about many things.

 

Tulad na lang ng pagsusulat at pag-bo-blog.  Sa aming “group discussion”, it became apparent that while some take blogging seriously, they claim no responsibility over their readers.  I am not saying that this is a bad thing.  Hindi lang siguro ako nasanay magsulat nang hindi ko iniisip ko rin kung ano ang magiging opinion ng mga mambabasa ko.  I still believe that writing is a very powerful opinion- and values-forming device.

 

Ngayon ko na-re-realize ang kaibahan ng writing and blogging (which incidentally was my lecture on a Campus Journalism Workshop in Bulacan last year).

 

This now brings us to the paramount topic of the EB – online flirting.  Naniniwala ang iba sa “group discussion”, na hindi na nila responsibilidad kung mahulog man ang loob ng mga nakakasalamuha nila sa blog o sa chat.

 

Pero naisip ko, di ba ang flirting ay isang mutual na bagay?  Makikipaglandian ka ba sa taong hindi mo naman gusto, in the first place?  Ibig sabihin, kung alam mo naman na from the very beginning na wala nang ibang pwedeng mangyari sa inyo kundi ang mag-chat at mag-usap lang, why flirt in the first place?

 

Pinapaasa mo lang ‘yung tao na may mahihita siya sa iyo.  Why not say, point blank, “Dude, ‘di tayo talo.”  Alam ko, it’s easier said than done.  But, in the world of virtual reality, that’s the reality we have to face.

 

Minsan, hindi mo rin minsan masisisi ang mga loser na tulad ko.  Umaasa kami, kasi may mga tao rin na nagpapa-asa sa amin.

 

Pero sa totoo lang, sa kabila ng mga kasinungalingan, kabalintunaan, at kahangalan sa virtual world, naniniwala pa rin ang loser na ito na may mga nagsasabi ng totoo at totoong tao na makakausap sa internet.

Advertisements

~ by Yuri on Wednesday, 14 January 2009.

6 Responses to “Virtual Loser”

  1. Kahit naman saang venue, nay, hindi mo maiiwasang maging “loser”, lalo na kung pag-ibig ang pinag-uusapan.

    ‘Yun nga lang, masaklap kung sa bandang huli, naiwan ka na lang nang mag-isa.

    ————————————————————————

    kapatid, hindi masamang maging “loser”… at lalong hindi masamang masaktan… kapag nasaktan ka, ibig sabihin lang nun marunong kang magmahal…

    isang tao lang ang mas nakakaawa pa sa taong naghahanap ng pagmamahal sa iba’t ibang lugar tulad ng internet – yun ay ang taong hindi marunong at walang kakayanang magmahal…

    at tandaan mo, hindi ka kailanman mag-iisa…

    😀

  2. sa lighter side, doon ko kayo nakilala ni lenggai…e hindi kasi ako aware sa sitwasyon kaya yun lang muna comment ko 😀

    ——————————————————————————

    hahaha! tama ka, G! hindi ako nagsisisi at kailanman magsisisi na naging “loser” ako sa virtual world… i gained your, lenggai’s and many more other’s friendships… they are enough to last me a lifetime…

    😀

  3. Lola, pakibago na ang link. http://louiejonsanchez.com

    ——————————————————-

    done, as you wish…
    thanks for dropping by, kapatid…

    😀

  4. mama, hindi “loser” ang tawag sa mga taong umiikot ang mundo sa virtual world. tawag don “geek-dork-nerd” (all said in one breath). believe me i know… i have a husband who “[tries] to save the world” almost every night. LOL!

    but i agree with you on being (in a way) responsible for your readers. kaya nga minsan careful ako sa mga opinions ko sa blog posts ko… and sometimes i have to defend my stand when someone questions it. 🙂

    ————————————————————————

    buhakhak ako ng tawa dun… ire-recite ko ngang mantra ‘yan… i’m a “geek-dork-nerd” (gasp for breath)… hahaha!

    seriously, very few realize the influence we had on our readers (kahit gaano pa kaunti yan)… but of course, we are also writers, not just bloggers…

    =D

  5. Ang ating pagkakaibigan, virtual friendship na lang din ba? Sa virtual world na lang kasi tayo nagkikita. Waaah! Senti! Haha! Ingats d’yan. Sana makabisita ako sa real world soon. Hahaha! See you then. Regards to A, Kris, Ipe, Luwi, Lynda, atbp. 😉

  6. At kelan ka pa natutong magdrama? =p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: