Paano ba magpaalam?

Paano nga ba magpaalam sa isang relasyong hindi ka na masaya?

Mula pa noong Oktubre, pina-plano ko nang mag-resign. Balak ko sana, magpaalam ako sa boss ko nang mid-November, at opisyal na magpasa ng resignation letter nang 1st week ng December (resignation effective December 31, 2008).  Pero awa ng Diyos, hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagpaalam sa boss ko.

Wrong timing naman talaga kasi. Kung kelan buo na ang loob kong magpaalam, lagi naman siyang wala. Wala dahil siya ang nag-aalaga sa kapatid niyang may cancer.  At hindi lang basta cancer case, terminal case pa.

At hindi naman sa pagmamayabang, isa lang naman ako sa mga maaasahan niya sa opisina kapag wala siya. Eto na rin ang dahilan kung bakit lahat ng mabibigat na trabaho sa opisina, ako na ang gumagawa. Hindi ko rin naman mai-delegate yung mga essential tasks dahil I always end doing them all over again. Kaya nga siguro, pagod na rin ako. Ang masaklap, hindi na ako masaya sa ginagawa ko.

Mahigit isang taon pa lang ako dito sa opisina. Pero magmula noong magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng boss noong Oktubre, parang naging impiyerno na ang bawat araw na iginigugugol ko sa trabaho.

Ewan ko kung naranasan niyo na yun, pero sa tuwing gigising ako sa umaga, halos hilahin ko na ang sarili ko sa kinahihigaan para lang maligo at pilitin ang sariling pumasok. Parang feeling ko, bawat araw na gigising ako, nilalagnat ako o di kaya’y mabigat ang ulo – tila ba naghahanap na lang ng dahilan para mag-absent.

Hindi ko naman magawang mag-AWOL, dahil propesyunal akong tao. Isang kaibigan pa nga ang nagpayo sa akin na “gaguhin mo na lang yan, tutal ginagago ka rin naman nila eh”. Pero hindi kasi talaga ako ganun. In every situation, I make it a point that I always exit in grace. Yun bang tipong manghihinayang sila na binalewala nila lahat ang kontribusyon mo sa kanila at ma-re-realize nilang malaki pala ang nawala sa kanila.

Ngayon tuloy, hindi ko magawang makapagpaalam.  Dahil sa totoo lang, malaki talaga ang mawawala sa opisina, pag ako ang nawala.

Advertisements

~ by Yuri on Tuesday, 2 December 2008.

8 Responses to “Paano ba magpaalam?”

  1. grabeeeeeeeh 1st line. hehe.
    pero sabi nga nila,if you find it na you’re dragging yourself to get up to work, it’s time to let it go.
    don’t worry, u’ll soon find the perfect time to say goodbye. if you haven’t, then probably even you’re not ready yet to leave.
    naks. hehe.

    =================================================

    i’m ready to leave… kulang na nga lang mag-empake na ako… i just can’t find the right time… feeling ko mag-be-breakdown na yung boss ko pag binulaga ko pa siya ng balitang ito… hay…

    =(

  2. hmmm… i know how you feel. mukhang hindi ko din magagawa ang december 31 deadline ko. kaya imomove ko na to june 30 of next year ang aking mga plano. hahaha.

    =================================================

    hay, kapatid… i wish i could do the same… pero para akong nauupos na kandila… baka wala nang matira sa akin kung ipo-postpone ko pa til june 2009… hay…

    =(

  3. mabuti nang mawalan sila sandali, at least madali naman yung mapunan… ang problema, paano kung sa takot mong mawalan sila, ikaw naman ang mawalan in the long run?

  4. alam mo, kapag talagang panahon na para umalis ka, magiging magaan ang lahat para sa yo, you would know the right time! meanwhile, maging matatag ka

    meri krismas na rin!

    • mommy kengks… sorry, ngayon lang naka-reply… nahiyang sa bakasyon kaya hindi nag-online… almost two weeks din na walang pasok… hehehe…

      actually may mga pangyayaring nakapag-pa-dalawang isip sa aking umalis sa trabaho… sa ngayon, hindi muna damdamin ang pinaiiral ko…

      happy new year mommy kengks!

      =D

  5. matagal rin ako nakapagdecide bago umalis sa trabaho, pero sabi nga ni mami kengks you’ll know when its the right time.

    merry christmas sayo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: