Waiting in vain

 

I hate to wait and make people wait.

 

Seriously, ito ang motto ko, magmula noon hanggang ngayon.

 

Hindi ko alam kung bakit may mga taong hindi maintindihan at hindi kayang pahalagahan ang oras ng iba.  Simple lang naman ‘yan eh.  Kung wala kang oras, huwag kang mag-commit ng oras.  Kung hindi ka sigurado sa oras mo, sabihin mo bilang pakonswelo sa taong naghihintay sa’yo.

 

Matagal na akong “early bird”.  Sa school, sa office, sa meeting, sa reunion, sa concert, name it… Pag may naka-set na time, dumarating ako on time, if not earlier.  Ayokong naghihintay, at ayokong may naghihintay sa akin.

 

Pag late kasi, ibig sabihin nun, hindi mo pinapahalagahan yung oras nung taong naghihintay sa iyo.

 

Sa totoo lang, mahaba ang pasensiya ko sa paghihintay.  Alam na alam ‘yan ni A!, na sa kinahaba-haba ng aming pagsasama, iilang beses pa lang siyang nauna sa lugar ng aming pagkikitaan.  Kadalasan, ako ang nauuna sa kanya.  Kung male-late man ako, isang oras bago ang takda ng pagkikita, naabisuhan ko na siya.

 

Kung tutuusin, kaya kong maghintay ng 5 minutos… 15 minutos… 30 minutos… o kahit isang oras pa, pwede na.  Pero kung dalawang oras na at wala pa ring katiyakan kung ilang oras mo pa ako paghihintayin, aba e, ibang usapan na iyon.  Dapat man lang sinabi mo sa akin na pwede pa akong makapanood ng sine sa paghihintay sa iyo.

 

Isipin mo ito:  Magmula dito sa Taytay papunta sa Quezon City, kailangan ko ng mahigit isang oras ng byahe, depende yan kung traffic o hindi.  Sabihin mo nang isa’t kalahating oras (1.5 hrs) papunta sa QC, at isa’t kalahating oras (1.5 hrs) pabalik ng Taytay para naman sa pag-uwi ko.

 

Sa byahe pa lang, tatlong oras (3 hrs) na ang ginugol ko para sa iyo.  Tapos, paghihintayin mo pa ako ng dalawang oras (2 hrs).  Aba’y limang oras din ang nasayang ko, wala pa akong nahita.  Sana na lang, nung naramdaman mo na malabo ka nang makapunta, maaga pa lang, nag-call off ka na.  Maiintindihan ko na naman iyon eh, basta magsabi ka lang.

 

Naiintindihan ko na may mga kailangan kang tapusin.  Pero hindi nangangahulugan iyon para balewalain mo ang oras ko.  Don’t ever think that your time is more valuable than mine.  Kung tutuusin, pareho lang tayong may trabaho.  Nagkataon nga lang na ‘yung trabaho ko, natapos ko na nang maaga.

Advertisements

~ by Yuri on Monday, 27 April 2009.

5 Responses to “Waiting in vain”

  1. Ako I hate to wait but I can’t help but make people wait. Alam mo naman ‘yun, ‘te. Still I make sure I’m worth the wait…

    Pero in fairview naman sa akin, nagte-text ako, ten minutes before the takdang oras… hehehe.

    • Promise… Never ka talagang mauuna sa akin… Pustahan, mauna ka sa akin ng isang beses… Ililibre kita ng large chocolate macadamia chiller sa GJ…

      😛

  2. So dapat pala tie tayo for the Early Bird Award. LOL!

    • ano ba, mama! hands down, lamang ka sakin sa Early Bird Award… Ako 15 mins early… Ikaw 1 hour!

      Neway, musta ka na mama? Kelan ang due date? magpasabi ka pag nasa labor room ka na… alam mo naman, iilan ka pa lang sa elite group sa varsi na mag-kaka-baby na…

      😀

      • EDD is June 27, pero sabi ng mom ko pwedeng earlier or later than that. doncha worry, sasabihan ko kayo pag lalabas na ‘tong si Zee (and yes, may name na siya :P).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: