Am I hot? Or am I very hot?

•Thursday, 28 May 2009 • 5 Comments

Tuesday night. Birthday party ng boss ko sa kanilang ancestral house sa Taguig. Feeling ko, ang haba-haba ng buhok ko.

Ewan ko ba naman kasi kung bakit ako ang napiling bartender nang gabing iyon… Tinuruan lang akong magtimpla ng long island iced tea, at presto! Instant barista na ako.

Pangalawang timpla ko ng concoction ko, nang lumapit ang isang disi-otso anyos na binatilyo. Aba, cute ang bata, problema lang, wala akong planong maging pedophile.

Siya: Kuya, ano ‘yan?
Ako: Long Island Iced Tea. Hard drink ‘to. (Siyempre, may emphasis sa hard)
Siya: Sige, tikman ko.
Ako: Naku, eh minor ka pa yata.
Siya: Hindi na. Eighteen na ako. (Sabay pa-cute, gamit dimples)
Ako: Sigurado ka huh?

Ang isang baso ay naging dalawa… at naging tatlo. Sa pang-apat niyang balik…

Ako: Uy, nakakarami ka na ah.
Siya: Nagustuhan ko kasi yung timpla mo eh. (Shet, ‘di na kaya ng powers ko ito)
Ako: Hahaha! E ano nga palang pangalan mo?
Siya: Carlo.
Ako: What a coincidence! Carlo din name ko.

Pucha naman, minsan ka na nga lang makakadawit, kapangalan mo pa!  Paano mo naman i-i-imagine-nin na… basta, yun na yun.

Siya: Ikaw, hindi ka ba iinom?
Ako: Umiinom na ako. Dito nga lang sa may bar area.
Siya: Tara, upo tayo dun. (Sabay turo sa isang bakanteng mesa)
Ako: Sige, ok na ako dito. Wala kasing ibang magtitimpla eh. (Pa-demure effect pa)
Siya: O sige. Kunin ko na lang number mo, tapos kunin mo number ko.

To the highest level na ito. Exchange numbers kami siyempre. Mga ilang chit-chat pa, umalis na rin siya ng party.

Nagpang-abot na ang Martes at Miyerkules, pero tuloy pa rin ang ligaya. Tipsy na ako. Nakakailang baso na rin ako. Ubos na yung mga ingredients ko, kaya malaya na akong lumibot sa crowd. May nakita akong kumakaway sa akin. Yung consultant namin, sumesenyas na tabihan ko siya sa table.

Sabi ko nga, tipsy na ako. Lapit naman ako at umupo.

Ok naman siya. May itsura naman, 37-years old, big time dahil boss siya sa isang multinational company. Type ko siya, kung tutuusin. Pero meron akong “strict no officemate policy”, kahit pa consultant ang status niya sa office.

Hindi ko man pinansin, pero parang feeling ko, masyado siyang nagiging touchy habang magkatabi kami. Pero dahil tipsy na ako, deadma na lang. Naisip ko lang, pangalawa na ito ah.  Matapos ang ilang minuto ng small talk, ilang shots ng long island iced tea, at dalawang lata pa ng San Mig light, bigla akong nagulat sa sinabi niya.

Siya: Lasing ka na ah.
Ako: Di pa naman. Konti lang. Ikaw nga ang lasing eh.
Siya: Medyo lang. ‘Wag mong sabihing uuwi ka pa ng Taytay niyan.
Ako: Oo naman. May pasok pa mamaya eh.
Siya: Sa bahay ka na lang umuwi. Umaga na oh.  Sabay ka na sa akin sa sasakyan.

Hindi na ako sumagot. Pero iisa lang ang nasa utak ko. May asim pa rin pala ang lola ninyo.

Lalaking Walang Bayag

•Tuesday, 5 May 2009 • 4 Comments

Nakatatawang isipin na may mga lalaki palang asal bakla. No offense meant sa mga sisters ko, but what I mean is, may lalaki palang hindi nila kayang pangatawanan at panindigan ang kanilang pagiging lalaki. At recently ko lang nalaman na naglipana na pala sila: sa office, sa school, sa mga public places at kahit dito sa internet at blogosphere.

Ewan ko, mahirap ipaliwanag. Kaya’t naglista ako ng limang katangiang sa tingin ko’y taglay ng mga lalaking (pardon my French, dears) walang bayag.

Continue reading ‘Lalaking Walang Bayag’

Waiting in vain

•Monday, 27 April 2009 • 5 Comments

 

I hate to wait and make people wait.

 

Seriously, ito ang motto ko, magmula noon hanggang ngayon.

 

Hindi ko alam kung bakit may mga taong hindi maintindihan at hindi kayang pahalagahan ang oras ng iba.  Simple lang naman ‘yan eh.  Kung wala kang oras, huwag kang mag-commit ng oras.  Kung hindi ka sigurado sa oras mo, sabihin mo bilang pakonswelo sa taong naghihintay sa’yo.

 

Continue reading ‘Waiting in vain’

Virtual Loser

•Wednesday, 14 January 2009 • 6 Comments

 

Aaminin ko, loser ako…

 

Matagal na rin akong suki ng internet.  Tandang-tanda ko pa nung college ako, way back mid ‘90s, madalas akong nakikipagpatayan sa ground floor Central Library ng Uste, kung saan mayroon lang mahigit 20 computers na online, para lang makapag-internet.  Madalas akong makipag-away sa pila, para lamang sa isang oras na pagsilip sa kakaibang mundong natuklasan ko.

 

Palibhasa addict sa chat.  Lahat na yata ng chat sites, napuntahan ko nun… Alamak, mIRC, yahoo, at kahit chat sa telnet, pinatos ko na.

 

Sa edad na 16, nadiskubre ko na ang hiwaga ng virtual world.  Aaminin ko, napukaw ang kamalayan ko ng internet.  At sa edad na 16, isa rin ako sa mga taong nahulog sa patibong nito.

Continue reading ‘Virtual Loser’

Paano ba magpaalam?

•Tuesday, 2 December 2008 • 8 Comments

Paano nga ba magpaalam sa isang relasyong hindi ka na masaya?

Mula pa noong Oktubre, pina-plano ko nang mag-resign. Balak ko sana, magpaalam ako sa boss ko nang mid-November, at opisyal na magpasa ng resignation letter nang 1st week ng December (resignation effective December 31, 2008).  Pero awa ng Diyos, hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagpaalam sa boss ko.

Wrong timing naman talaga kasi. Kung kelan buo na ang loob kong magpaalam, lagi naman siyang wala. Wala dahil siya ang nag-aalaga sa kapatid niyang may cancer.  At hindi lang basta cancer case, terminal case pa.

Continue reading ‘Paano ba magpaalam?’