Tsamba!

May mga bagay talaga na kung kelan hindi mo hinahanap, tsaka dumarating…

Kung tutuusin, wala ako sa mood kagabi. Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan upang ibigay yung kailangan niya sa school report niya.

Nanatili lang ako ng mahigit isang oras sa Timezone sa Gateway, Cubao, para magpalipas ng stress.  Wala akong magagawa, addict talaga ako sa tennis, kahit tennis sa virtual world, pinatitiyagaan ko.  At nanatili ng ilang oras sa Gloria Jean’s sa tabi ng Shopwise sa Cubao pa rin, para magkape at samantalahin ang libreng wi-fi connection.

Mag-a-alas dose na nang lumabas ako ng coffee shopUnder normal circumstances, maaga pa ito, considering na pasado alas dose na ako umuuwi pag na-a-addict ako sa internet.

Lakad papunta sa P. Tuazon kung saan sasakay ako jeep.  Dyahe talaga ang bagong patakaran ng Araneta, wala nang pila ng jeep pagpatak ng alas dose.  Hirap tuloy sumakay kahit wala pa ang takdang oras, dahil pinapaalis na rin ang mga jeep ng mga guardia.

Una ko na siyang napansin nang dumaan siya sa may likod ko, habang naghihintay sa daan.  Sa totoo lang, wala akong pakialam kagabi sa mga taong nakapaligid sa akin, gustung gusto ko nang umuwi.  Antok na antok na ako.

Sa kalaliman ng gabi, mahigit 15 minuto akong naghintay ng jeep.  At mahigit 15 minuto rin siyang naghintay sa akin sa may gilid ng daan –  pasulyap-sulyap, nagpaparamdam, binabasa ang mga labi, at hinahaplos ang kanyang maseselang bahagi.

Alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.  Pero nung mga panahong iyon, nagtatalo ang utak at ang damdamin ko kung uuwi na ba ako o kung maglalaro pa ako.  Gabi na, may pasok pa bukas.  Pero minsan lang ito dumating.

Unti-unti na akong lumapit, sabay tanong: “Ano bang trip mo?”

“Ikaw, ano bang trip mo? Pareho ba tayo ng trip?”

“Ba’t ako tinatanong mo, eh ikaw ang kanina pa tingin nang tingin.”

Patlang.

“Ano na?  San ka ba nakatira?”

“Diyan lang.  Sasama ka ba?”

“Tara!”

Sa mga pagkakataong ganito, ngayon lang nauna ang bibig ko kesa sa utak ko.  At lulan ng jeep na kanina ko pa hinihintay umalis, sumama ako sa taong hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.

Advertisements

~ by Yuri on Thursday, 4 September 2008.

3 Responses to “Tsamba!”

  1. kagabi ba itp? 😀

    palitan mo na pala blog ko dito. i only maintain my blog sa multiply — mccruz.multiply.com

    ===================================================

    nope, wednesday night…

    hehehe!

    =D

  2. haha! landi. =p

    ===================================================================

    i know…

    =D

  3. hi, just passing by.. ayos ah! 😉

    ===================================================

    thanks for dropping by… =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: