Mga Maliligayang Pagbati

Maligayang pagbabalik
Saktong isang lingo na nang muli akong magkaroon ng laptop na “issue” ng opisina. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ngayon lang ulit ako nakagawa ng entrada o entry sa blog.

Para kasi sa akin, laptop lang ang tanging paraan upang makapagsulat ako ng bagay na pang-personal, tulad na lang nitong blog. Kaya nang kinuha ng boss ko yung iBook G4 na pinahiram niya sa akin noong nakaraang taon, para na rin akong nawalan ng panahon sa mga pang-personal kong pangangailangan.

Mahigit kalahating taon din ako nawalan ng laptop. Nung binawi ni Bosing yung laptop, sabi niya papalitan din naman daw agad ng bago. Pitong buwan din ako naghintay, akala ko hindi na darating.

At ngayong nagbalik na ang laptop ko, makababalik na rin ako sa mundong minsan pa’y iniwan ko.

Maligayang anibersaryo
Saktong isang taon na rin nang pormal kong pinasok ang mundo ng pagba-blog. Noon, hindi ko pa malaman kung paano ko sisimulan ang aking mga entries.  Marami akong gustong gawin, marami akong gustong sabihin. Pero ganun pala yun, pag magsisimula ka na, parang bigla na lang nawawala lahat. Sabi nga sa English, “words fail you.”

Pero kinaya ko yun. Pinagsawalang bahala ko ang “birth pains”, dahil naniniwala ako na sa oras na sinimulan mo na, magtutuloy-tuloy na ang panganganak ng mga idea.
For a time, five months to be precise, marami-rami rin naman akong naisulat. Hindi nga lang tulad ng iba na parang wala nang ibang ginawa kundi humarap sa computer at tumipa ng kwento nila sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Minsan kasi, dumarating talaga ang panahon ng tagtuyot.

Nung pansamantala akong tumigil sa pagsusulat ng blog buwan ng Nobyembre, ang dami kong naging dahilan at palusot – kesyo maraming trabaho sa opisina, kesyo wala nang oras sa pagtipa ng pangsariling istorya.

Sa pagsapit ng unang anibersaryo ng aking blog, hindi na ako mangangakong pananatilihin ko ang regular na pagsusulat dito. For sure, may mga panahong tatamarin pa rin ako at mawawalan ng gana sa pagsusulat.

Pero isa lang ang masisigurado ko – na pananatilihin kong bukas ang blog na ito at ang puso ko (naks!) para sa ibang tao.

Maligayang kaarawan
Saktong dalawampu’t siyam na taon na mula nang isinilang ako sa mundong ibabaw. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko beinte-tres pa rin ako.

Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon lang, birthday mo, tapos makalipas ang ilang buwan, birthday mo na naman. Sa sobrang bilis, parang kahit sa sobrang dami na ng iyong nagagawa, parang marami ka pa ring kailangang gawin at ma-accomplish. Minsan, tatanungin mo ang sarili mo: Sa loob ng kulang-kulang tatlumpung taon, ano na nga ba narating mo? Ano na nga ba ang maipagmamalaki mo sa buhay mo?

Paano na lang kung wala kang maisagot?

Naalala ko tuloy nung una at huling beses akong nagpa-card reading, mag-aapat na taon nang nakililipas. Sabi niya: “Maswerte ka sa trabaho, pero mas maswerte ka kung mag-ne-negosyo ka. Ang bawat hawakan mong pera ay tila ginto na dumodoble sa iyong mga palad.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya sinunod. For a time, sinubukan kong mag-negosyo, pero madali akong nagsawa at napagod.

Back then, I had to make a decision. Pagod na pagod ka, pero marami kang pera. Sapat lang ang pera mo, pero enjoy ka. Kaya ngayon, nagtitiyaga ako sa trabahong sapat lang ang sweldo. I made a decision, I have to stand by that decision. Ganun lang ka-simple yun.

Sa parehong card session, hindi ko maiwasang itanong ang tungkol sa lovelife. At nagulat ako sa sinagot ng card reader: Maraming kang kaibigan na nagmamahal sa iyo. Looking back, hindi ko malaman kung matutuwa ako o maiinis sa ibinigay niyang sagot. Ano ang ibig niyang sabihin? Na wala na akong lovelife hanggang tumanda na ako? Sure thing, apat na taon na ang nakalipas mula nang binasa niya ang aking mga baraha, wala pa ring lovelife sa buhay ko.

Ngayon, iba na ang pananaw ko. Siyempre, pa-minsan-minsan naiisip ko pa rin ‘yun. Pero hindi tulad noon, iba na ang konsepto ko ng kaligayahan. Tama ang aming card reader, maraming silang nagmamahal sa akin – pamilya, mga tunay na kaibigan at mga kaopisina. Sapat na iyon para sa akin. Kung may dumating na taong espesyal, salamat. Kung wala naman, salamat pa rin.

Kahit papaano, nag-mature na rin ako. Aba, dapat lang. Beinte-nueve na yata ako.

Advertisements

~ by Yuri on Saturday, 12 July 2008.

5 Responses to “Mga Maliligayang Pagbati”

  1. hoy, palitan mo na ang blog address ko. louiejonsanchez.blogspot.com. hehehe.

  2. belated happy birthday dear yuri! ang tagal mo nga bago magiwan ulit ng bakas pero am glad andito ka na ulit… mwah 🙂

    —————————————————————————————————————————

    salamat ate kengks! hopefully, you’ll see more of me here and in WPP… hay, it’s great to be back!

    =D

  3. Sungit ni Louie! hahaha.

    Hindi ka pa din nawawalan ng talento at galing sa pagsusulat, sarap basahin…kelan kayo ako uulanan ng mga salita? =D

    Miss you! (G&H yan!)

    ———————————————————————————————————————–

    thanks, G… i’m sure, latent lang yung talent mo sa pagsusulat… pero once nasimulan mo na, tuluy-tuloy na yan…

    =D

  4. Napadpad ang title ng kuwento mo sa aking blog kaya sinundad ko siya dito. Natutuwa naman ako at natagpuan ko itong blog mo. Kung iyong mamarapatin gusto kong makipagkuwentohan palagi dito. Salamat po.

    =========================================================================

    salamat sa pagdapo sa aking mundo… tara, nais kong marinig ang iyong mga kuwento…

    =D

  5. Wow! Welcome back! Sobrang tagal since your last entry. =p

    ========================================================================

    actually, panis na ulit ito… sobrang tagal mo lang di in-access ‘tong blog ko… hehehe!

    =D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: