Ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…

Minsan, hindi ko maiwasang maging malungkot…  Tulad na lang ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…

Hindi ko maituturing ang sarili ko na maraming kaibigan.  Maraming kakilala at kabarkada, oo…  Pero mga tunay na kaibigan, hindi pa lalampas sa bilang ng mga daliri sa kamay.  Masasabi ko kasi na sila ‘yung mga kaibigang nakasama ko na sa hirap at ginhawa.  Mga kaibigang nakakaalam na ng tunay na likaw ng bituka ko, at magdadalawang isip akong pagsalitain sa burol ko.

Kaya sa mga panahong feeling ko nalulungkot ako at nag-iisa, iilan lang talaga lagi kong nakakausap at nakakasama. At minsan nga, wala pa… Tulad na lang ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…

Hindi naman ako nagrereklamo.  Alam ko na malaki na ang pinagbago ng mga buhay naming magkakaibigan sa nakaraang dalawang taon.  Wala na ang mga panahong linggo-linggo kaming nagkikita-kita. Minsan, dalawa hanggang tatlo hanggang kada linggo pa.

Eh ano pa ba naman ang aking aasahan.  Lahat kami ay nagkaka-idad na at ang iba nga’y may pamilya na. Kasal at may anak na sina Ipe at Kris. Abalang-abala naman sina Boyet at Adrian sa kani-kanilang mga trabaho.  Sina Barbs, Lynda at Leah naman, may mga kanya-kanya nang mga jowa.

Kung tutuusin, tanging si A! na lang talaga ang nakakasama ko ng pirmihan. At depende pa iyon sa schedule niya, kung may segment siya o wala, o di kaya’y may shoot siya o wala.  E paano na lang kung may jowa na rin siya!

Ang alam ko lang nung Biyernes, tulad nang iba pang nagdaang Biyernes, nag-isa na naman akong lumakad.  Nag-isang mag-videoke sa Timezone ng Gateway at nag-isang kumain ng dinner.  Matapos mag-ikot-ikot ng konti sa Cubao, nagpasya na akong umuwi.

Hindi ko tuloy alam kung isa na itong “preview” ng aking kinabukasan.  Palagian na ba akong malulungkot at mag-iisa, tulad ngayon at nitong nakaraang dalawang araw?

Huwag naman sana.

Advertisements

~ by Yuri on Sunday, 11 November 2007.

10 Responses to “Ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…”

  1. hehehe. don’t feel bad. wanted to have dinner last friday but was simply too tired due to tax deadline season. once i get the hang of this new role, i’d be back to our favorite pastime (ano nga ba un? shopping? dining? videoke?) don’t count me out yet when you need friends to do just whatever. ciao! =)

  2. nay, wag kang mag-alala… hindi ko man maipapangako na hindi magbabago ang late night, date nights natin pag nagka-jowa ako, sisiguraduhin kong hindi ka mag-iisa… ihahahanap kita ng boypren!!!! hahahaha!!!!!! nway, mukha ngang mauuna ka pa sa amin no? sa susunod na taon, nasa dubai ka na, siguro sinasanay ka lang ni papa jebuz na maging independent… =)

    pero habang wala pa yung panahong iyon, let’s just enjoy our moments together, andito pa rin naman sina dex at marisse. nandito pa kami, bruha ka, wag ka munang mag-drama!!!! =)

  3. Aba! At meron ka na pala blog! hehehe! Iaadd kita sa blogroll ko ah?

  4. Ngayon lang ako napadaan dito, YM shoutout ang may sala. ^^ Normal lang ganyan, earlier napa-blog din ako sa kalungkutan ng di na ganun ka free mga kaibigan, di kagaya nun mga nasa college pa o kaya single lahat. Saka same din saken di ganun kadami close friends ko kasi pihikan ako. 😛 Pero its a good reason din to widen our horizons. Kumbaga, di lang naman offline tayo makakahanap ng tunay na kaibigan. I learned na kahit pala online mo nakilala ang ibang tao, minsan mas alam pa nila lahat ng saloobin mo kesa sa mga kilala mo sa personal. Nakakita nako ng ilan na mga maituturing kong close friend talaga, pero sa YM, blog at forums ko lang nakikita at naririnig. 🙂 Kapag nalulungkot ka, i-buzz mo lang kame na mga WPP members sa YM. Haha, di ka man namin mapasaya ng sobra-sobra at least di ka na mag-iisa. 🙂

  5. @Magnus Yup, for several months na… sorry di ko na nasabi… tsaka may tampo ako sa iyo… hehehe! 😛

  6. @Nika Thanks for the comment… Ngayon pa lamang, napapasaya na ako ng mga WPP members… 😀

  7. See? See? Sabi ko sayo dme ok na tao sa wpp eh =)

  8. Kerek! Thanks ate lenggai! Magkausap kami ngayon lang ni Nika sa YM! Hehehe! Tambay ako WPP mamaya… Hehehe!:D

  9. ay, ikaw ba yung prenship ni lenggai gurl? wak ka na malunggkot, kahit na nag iisa kang naglalakwatsa, pagupo mo naman sa harap ng computer mo ay madami kang ka chika, hehehe. si kengkay ganyan din ang drama e… mas maraming virtual ka lakwatsa at ka chika pero am enjoying it.

    ……………..

    kengkay, addict na nga sa WPP… ngayon ko lang napatunayan na maaari ring magkaroon ng mga kaibigan, online… paunti-unti, parami na kayo ng parami… kwela ito! salamat kengkay! 😀

  10. awweee… barly… wag ka na ma-sad… nakaka-guilty naman… 😦 pasensya na ha? bukod sa busy sa work at sa ibang tao, tipid mode na rin kasi… save save na rin… para sa kinabukasan… haha! ingat ka! pag kailangan mo ko, text mo lang ako… mwah! 🙂

    …………………..

    naman ‘to… why feel guilty about it… ganun lang talaga ‘yun… times really change… eventually, makaka-adjust tayo lahat… 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: