Tamad

Hindi ako makapaniwala kung gaano ako naging tamad nitong nakaraang buwan. Kung tamad ako noon, mas lalo pa yata akong naging tamad ngayon, lalo na sa pagsusulat ng blog.

Mahigit isang buwan na rin yung huli kong entry, at tungkol pa ito kay Ace. Marami nang nangyari, maraming bagay ang lumipas, pero ni isa, wala man lang akong naisulat.

Mahirap talaga kapag pagsusulat din ang pinagkakakitaan mo. Minsan, wala ka nang panahon para makapagsulat pa ng ibang bagay. Puro na lang press releases, news stories, feature articles na wala namang kinalaman sa buhay mo.

Sa ngayon, gusto ko lang munang mag-update. Hindi ko alam kung ano at saan ang patutunguhan ng sinusulat ko dito. Tulad ng buhay ko ngayon, sabug-sabog din ang isip ko, at natural, ang pagsusulat ko. Kaya, pagpasensiyahan niyo na.

Anu-ano na nga ba ang nangyari sa akin nitong nakaraang isa hanggang dalawang buwan?

Bukod sa trabaho? Hmmmm…

Well, apat na Sabado ang ginugol ko sa pagbibigay ng crash course sa journalism. Kung dati sa mga private schools sa Tarlac, nito namang nakaraan sa mga public schools sa Parañaque, courtesy of Dexter, fellow Varsitarian amihan and now a good friend. At kung dati Feature Writing, ngayon naman sa Editorial Writing at Copyreading. Yung unang dalawang Sabado, lecture para sa mga English teachers at campus paper advisers. At ang huling dalawang linggo, sa mga batang sasali sa Young Writers Conference.

Ewan ko ba, para ngang nasasanay na akong magbigay ng lecture, although mahirap talaga. Aba, dalawang linggo kaya akong nawalan ng boses, because I had to speak at the top of my voice during those lectures. Sabi nga nung mga teachers na nakinig sa lecture ko, natural daw ang pagtuturo sa akin. To use their description, “teacher na teacher ang dating mo.” I don’t know if that’s a compliment, but I would like to take it as such.

Kahit papaano, may konswelo rin naman yung mga linggo ng pagtuturo dito sa mga journalism workshops na ito. Two weeks ago, we were informed na yung mga tinuruan naming estudyante sa Tarlac, nanalo as overall champion sa “press conference” na sinalihan nila. At least may bragging rights kami, dahil kami ang nagturo sa kanila, although we’re not really sure whether they won because of sheer talent or because they had useful tips from us. But that’s beside the point.

Hindi rin naman ako nagpahuli sa ibang bagay. Nasa Araneta ako nung matalo ang UST sa Cheerdancing Competition, at isa rin ako sa mga nagluksa (sa Araneta din) nung matalo ang UST Growling Tigers sa Ateneo Blue Eagles. Kung kelan pa naman maayos ang ticket na nakuha for those two events (patron for the Cheerdancing Competition and Lower Box for the basketball game), tsaka pa tinamaan ng malas. Well, shit happens.

Ano pa ba?

Weekend tennis with Dexter. Weekday chats with Joanne, Marisse and Dexter. Quality time with A, Boyet, Adrian, and Leah. One or two Thursdays with Lynda sa St. Jude for our regular novena.

Nagkausap din kami ng masinsinan ni Mommy. For the nth time, kinukulit na naman niya akong pumayag sa proposal ni Daddy na sumunod doon sa Dubai. “Everything will be taken care of – visa, plane ticket, working permit – ayaw mo pa ba nun?” tanong ni Mommy.

E ewan ko ba naman kasi, sa dinami-dami ng taong gustong lumayas ng Pilipinas, ako yung ayaw umalis kahit may oportunidad na. Siguro kung tourist pa, pwede. Pero kung dun magwo-work, parang di ko kaya. Masaya naman ako dito eh.

And besides, ayokong mawalay sa pamilya at mga kaibigan ko. Isang linggo ko lang silang hindi makita, parang mababaliw na ako. Iniisip ko pa lang na hindi ko makikita ang mommy ko, sisters ko, mga pamangkin ko, at ang mga nasa “core” group of friends ko, naiiyak na ako.

Well, moving on…

Siyempre, wala pa ring boylet, walang matinong sex. Ano pa ba namang bago dito? May magpaparamdam nga, bibitinin ka naman. Mga pasaway. Bahala sila sa buhay nila.

Kung tutuusin parang ang dami-daming nangyayari sa paligid. Parang ang bilis-bilis ng pagtakbo ng oras, ng pag-ikot ng mundo. Pero parang wala pa ring pagbabago sa buhay ko. Parang sa kabila ng pagmamadali ng ibang tao, ako lang ang hindi gumagalaw, hindi kumikilos at hindi umaandar.

Ang tamad ko kasi eh. Ang tamad-tamad ko.

Advertisements

~ by Yuri on Thursday, 11 October 2007.

2 Responses to “Tamad”

  1. Baka calling mo nga maging teacher/lecturer

    yuri69

    hehehe! siguro nga… but it will take many more years to pursue a teaching career…

  2. hindi ka nagiisa. eto ako ngayon tinatamad na rin. hindi na kumilos ang mundo para sa akin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: