•Thursday, 4 September 2008 •
3 Comments
May mga bagay talaga na kung kelan hindi mo hinahanap, tsaka dumarating…
Kung tutuusin, wala ako sa mood kagabi. Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan upang ibigay yung kailangan niya sa school report niya.
Nanatili lang ako ng mahigit isang oras sa Timezone sa Gateway, Cubao, para magpalipas ng stress. Wala akong magagawa, addict talaga ako sa tennis, kahit tennis sa virtual world, pinatitiyagaan ko. At nanatili ng ilang oras sa Gloria Jean’s sa tabi ng Shopwise sa Cubao pa rin, para magkape at samantalahin ang libreng wi-fi connection.
Continue reading ‘Tsamba!’
Posted in Love or the lack of it, That three-letter word
•Saturday, 12 July 2008 •
5 Comments
Maligayang pagbabalik
Saktong isang lingo na nang muli akong magkaroon ng laptop na “issue” ng opisina. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ngayon lang ulit ako nakagawa ng entrada o entry sa blog.
Para kasi sa akin, laptop lang ang tanging paraan upang makapagsulat ako ng bagay na pang-personal, tulad na lang nitong blog. Kaya nang kinuha ng boss ko yung iBook G4 na pinahiram niya sa akin noong nakaraang taon, para na rin akong nawalan ng panahon sa mga pang-personal kong pangangailangan.
Mahigit kalahating taon din ako nawalan ng laptop. Nung binawi ni Bosing yung laptop, sabi niya papalitan din naman daw agad ng bago. Pitong buwan din ako naghintay, akala ko hindi na darating.
At ngayong nagbalik na ang laptop ko, makababalik na rin ako sa mundong minsan pa’y iniwan ko.
Continue reading ‘Mga Maliligayang Pagbati’
Posted in Birthday, Friends, Love or the lack of it, Non-sense Ramblings
•Wednesday, 28 November 2007 •
8 Comments
Feeling ko dinugo ako sa pag-tag… Mahirap talaga pag virgin… Pero salamat na lang kay lenggai, marunong na akong mag-tag ngayon…
Copy-paste the traits for all the twelve months (see below).
Pick your month of birth.
Highlight the traits that apply to you.
Tag 12 people and let them know by visiting their blogs and leaving a comment for them.
Let the person who tagged you know when you’ve done it!
Ipinanganak si Yuri ng Hulyo… Hehehe!
JULY: Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people’s feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperamental and unpredictable. Moody and easily hurt. Witty and sparkly. Not revengeful. Forgiving but never forgets. Dislikes nonsensical and unnecessary things. Guides others physically and mentally. Sensitive and forms impressions carefully. Caring and loving. Treats others equally. Strong sense of sympathy. Wary and sharp. Judges people through observations. Hardworking. No difficulties in studying. Loves to be alone. Always broods about the past and the old friends. Likes to be quiet. Homely person. Waits for friends. Never looks for friends. Not aggressive unless provoked. Prone to having stomach and dieting problems. Loves to be loved. Easily hurt but takes long to recover.
Continue reading ‘Virgin ako… sa pag-tag…’
Posted in Uncategorized
•Sunday, 18 November 2007 •
4 Comments
Kaninang almusal –
.
Mommy: Anak, kelan mo ba kami bibigyan ng apo?
.
Muntikan ko nang mabuga ‘yung kanin na may kahalong hotdog at itlog sa bibig ko. Ang aga-aga kung anu-ano na naman ang trip nitong nanay ko. Hindi ko alam kung matatawa o mabubuwisit ako sa tinanong niya.
.
Continue reading ‘Dragon’
Posted in Non-sense Ramblings
•Sunday, 11 November 2007 •
10 Comments
Minsan, hindi ko maiwasang maging malungkot… Tulad na lang ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…
Hindi ko maituturing ang sarili ko na maraming kaibigan. Maraming kakilala at kabarkada, oo… Pero mga tunay na kaibigan, hindi pa lalampas sa bilang ng mga daliri sa kamay. Masasabi ko kasi na sila ‘yung mga kaibigang nakasama ko na sa hirap at ginhawa. Mga kaibigang nakakaalam na ng tunay na likaw ng bituka ko, at magdadalawang isip akong pagsalitain sa burol ko.
Continue reading ‘Ngayon at nitong nakaraang dalawang araw…’
Posted in Love or the lack of it, Non-sense Ramblings